Thursday, August 30, 2012

KADAYAWAN

Nakabisita ka na ba sa siyudad ng Dabaw Narinig mo na ba ang salitang Kadayawan? Nakasaksi ka na ba ng piyesta ng isang siyudad? Puwes, ibinabahagi ko sa inyo ang napakasayang okasyon ng Kadayawan. Maghanda ka na para mabasa mo ang napaka garbong piyesta ng Dabaw!

Ang Kadayawan ang sinsabing "King of all Festivals". Ito ang isa sa pinakamahalagang celebrasyon sa lungsod ng Dabaw. Hinihintay ito ng mga dabawenyo at mga turista kada taon. Ito ay pinamumunuan ng Mayora ng Dabaw, Si Inday Sara Duterte, at mga opisyal ng Dabaw. Isinisimbulo ng pagdiriwang na ito ang kapayapaan, tribo, at mga prutas rito sa Dabaw. Isa lamang ang kapayapaan sa mga isinisimbulo dahil sa konti lang ang nagaganap na krimen rito kung ikukumpara mo sa ibang lungsod dito sa Mindanao. Ang mga tribo ay isa rin sa mga isinisimbulo nito.May makikita kang mga taong naka suot ng kani-kanilang mga "signature costumes" ng kanilang tribo. Ibinabahagi rin nila ang mga kasaysayan ng bawat tribo at mga "cultural practices" nila sa pamamagitan ng pagsasayaw sa cultural dance show. Ipinapakita nila ito upang maging bukas ang kaalaman ng mga tao na buhay parin ang kanilang mga pinagmulan. Siyempre, di mo dapat kalimutan ang mga prutas. Sagana ang mga prutas dito sa Dabaw lalo na kung buwan na ng Kadayawan. Di mawawala ang rambutan, durian, at mangosteen! Siguradong mabubusog ka dito sa tatlong prutas na yan! At ang bentahan ay talagang swak sa bulsa mo dahil di ito mahal di gaya ng benta nito sa ibang lugar. 

At ngayon na alam mo na ang importansya ng Kadayawan, handa ka na bang masaksihan ito sa iyong sariling mga mata? Handa ka na bang makisaya? Kaya bisitahin na ang lungsod ng Dabaw para masaksihan nag iba't ibang saya ng okasyong ito. Hinding hindi ka magsisisi at iyong matutunghayan ang ibang karanasan na dito mo lang makikita sa lungsod ng Dabaw! 


(credits to the owner of the pics. :))  )

Saturday, August 18, 2012

Tamad na araw

August 17, 2012

As usual, natulog nanaman ako buong araw! Kahit na kadayawan, wala akong pakialam! hahaha! Nagising ako ng mag alas kwatro na ng hapon ng malaman kong umalis ang mama ko at pumunta sa aming bukid at dun siya matutulog ng isang gabi! haha! Ako lang mag isa sa bahay! Gustong gusto ko pa naman na ako lang mag isa sa bahay! Nagluto-luto ako! Feeling chef! hahaha! Wala akong ibang magawa! Palagi nalang ako nanood ng Shinhwa(kpop boy group na paborito ko) pero wala silang latest updates sa araw na yun kaya nag videoke ako sa bahay! Ako lang mag isa! Parang tinga lang ano? haha!

Na bored nanaman ako kaya nanood ako ng movie. Yung 13th Ghost.Di naman ako matatakutin kung nanonood ng mga horror movies, pero nakisama kasi ang weather at ako lang mag isa sa bahay kaya nagsisi ako kung bakit yun pa ang pinanood ko! Ako lng mag isa sa bahay at yung guest room namin sa taas, tumutunog yung pintuan! Alam mo yung tunog na nakatakot? Yung parang naga creek yung door?? Kaya itinigil ko at nag shinhwa nanaman ako! HAHA! 

     Ito ung guest room namin sa taas. Super creepy room kasi minsan lang nagagamit!! 

Wala naman masyadong maganda ang nangyari sa araw na ito. haha! Di kasi ako yung tipong pumupunta sa mga mall pag may artista! Ayoko ng mga mataong lugar..Naiinis ako pag mga ganyan kaya usually sa bahay lang ako nagpapalipas oras. Usually, nanonood lang ako ng Shinhwa at iba pang movies pag nasa bahay ako. Basta may internet at pagkain, solb na ako! :))

     Ito pala ung Shinhwa na sinasabi ko! <3 <3 <3

 At ang favorite member ko for all time! ERIC MUN! mehehehehe

Tatapusin ko na nag entry kong ito kasi mag Shinhwa nanaman me! hahahhaha! :))

Isang maulan na gabi..

August 16, 2012

Nagtataka ka ba kung bakit gabi agad ang title ng entry na ito?? Ito ay dahil gabi na ng ako ay makagising! haha! As usual, antagal ko nanamang gumising kaya walang nangyari sa buong araw ko kundi ang matulog ng matulog at gabi na nagsimula ang aking paglalakabay! hahaha!

Isang maulan na gabi, kasama ko sina Gildie at Shayla. At dahil nagpapatulong itong kaibigan ko, kahit na maulan, ay sinamahan namin siya at pinakain niya kami sa starbucks para sila ay magkita ng kanyang sinta. Di pa pala ganyan yun! Una, manonood sana kami ng last full show ng The expendables 2 ni Gildie ngunit nagsara na ang bentahan ng ticket sa SM kaya naman ay nag starbucks nalang kami.. 

                Sarap sarap ng classic chocolate cake at Coffee Jelly Frappucino!! :))
Ang inumin naming dalawa ni Gildie..

Doon lang kami naghintay kay Shayla hanggang napagsarhan nalang kami ng Starbucks! Akala namin hanggang alas dos sila ng umaga pero hanggang 12mn lang pala sila! Wala kaming ibang ginawa kundi ang maghintay sa labas ng Starbucks. Lahat ng ibang costumer ay umalis na. Kaming dalawa nalang ang natira sa labas! haha! First time ko itong naranasan na napagsarhan ng isang establisimyento! hahahaha! Makalipas 1 oras, nagtext si Shayla na sa Caltex Starmart nalang niya kami dadaanan, kaya ay naglakad kami galing SM papunta dun. 1st time nanaman namin ang makaranas ng ganoon! Halos walang tao na naglalakad at walang mga sasakyang dumadaan. Pumasok tuloy sa isip ko ang zombie apocalypse! Ano kaya ang gagawin namin kung nagka zombie apocalypse?? Saan kami pupunta?? HAHA! Talaga namang napakamalikhain ng aming isipan! 

Mga alas dos na ng umaga, ay kumain nanaman kami sa Starmart habang naghihintay sa aming sundo. Cup noodles at Sola na inumin ang aming food set. hahaha!! Para kaming mga manlalakbay na napadpad dito sa Davao! LOL!


At ng kami ay sinundo na ni Shayla, ay kumain nanaman kami sa Yellow Cab Damosa! Puno ng maulan at pagkain ang gabing ito sa amin.. Hindi hindi ko ito makakalimutan sapagkat ito ang unang beses na karanasan para sa amin! Naka uwi na ako mga 4am at naghihintay sa akin ang kuya ko. Buti nalang ay di siya nagalit dahil binigyan ko siya ng pizza na sobra sa aming kinain! :))

Ateneo Fiesta 2012: Unang Araw

               Agosto 15, 2012 ang unang araw ng fiesta ng Ateneo. Ito ay taunang ipinagdiriwang ng mga Ateneo de Davao University at ang pinakahihintay ng mga estudyante dahil sa mga araw na walang pasok pero may baon padin. Lahat ng tao ay gugol sa paghahanda ng mga kagamitan at props para sa mga aktibidades na magaganap sa eskwelahan. Hindi nawawala ang parade na maraming makukulay na palamuti at mga talent shows kung saan nakikita ang mga itinatagong galing ng mga Atenista.


             Sa araw na ito ay tinamad ako kaya hindi ako sumali sa parade galing San Pedro Cathedral papunta sa eskwelahan namin. (hahahaha) Nagising ako ng alas dos nang hapon at kami ay pumunta sa Uyanguren kasama si Cheyenne, Claudine, at Paoji. Bumili kami ng mga hikaw, sing-sing, at kung anu-ano pang mga burloloy. Pagkatapos, ay kumain kami sa Lachi's. Ito ay nasa may Marfori banda, at napakasarap ng kanilang mga pagkain doon. Um-order ako ng cake at grilled porkchop na talaga namang napakasarap! Matagal na akong sinasabihan ni Cheyenne na talagang masasarap ang keyk nila doon kaya nung tinikman ko, ay talaga namang masarap! Puno nanaman ng pagkain ko! At syempre pag kasama mo si Claudine Reyes, palaging may bloopers talaga yan! Kaya di lang puno ng pagkain ang araw namin, kundi puno rin ng tawanan! 



Pagkatapos naming kumain ay bumalik kami sa eskwelahan upang manood ng Awitenista. Ang nanalo ay ang Accountancy. Mayroong fire dance pagkatapos ng awitenista at musikahan ang pinakahuli sa lahat. Kami ay nanood at may mga libreng pagkain na ipinamigay sa mga manonood. Ang mga tugtog na aming narinig ay galing sa mga sikat na mang-aawit at in-acoustic ang pagtugtog ng mga estudyante nito. Nag tilian ang mga estudyante pag gwapo ang kumakanta. (halos lahat ng dumalo ay mga babae! haha)

Fire dance! (pic by Claudine Reyes)



Gabi na ng kami ay makauwi pero nasiyahan naman kami sa aming natunghayan sa fiesta ng aming eskwelahan. Sana ay mas masaya pa ang fiesta namin sa susunod na taon.. :)