Thursday, August 30, 2012

KADAYAWAN

Nakabisita ka na ba sa siyudad ng Dabaw Narinig mo na ba ang salitang Kadayawan? Nakasaksi ka na ba ng piyesta ng isang siyudad? Puwes, ibinabahagi ko sa inyo ang napakasayang okasyon ng Kadayawan. Maghanda ka na para mabasa mo ang napaka garbong piyesta ng Dabaw!

Ang Kadayawan ang sinsabing "King of all Festivals". Ito ang isa sa pinakamahalagang celebrasyon sa lungsod ng Dabaw. Hinihintay ito ng mga dabawenyo at mga turista kada taon. Ito ay pinamumunuan ng Mayora ng Dabaw, Si Inday Sara Duterte, at mga opisyal ng Dabaw. Isinisimbulo ng pagdiriwang na ito ang kapayapaan, tribo, at mga prutas rito sa Dabaw. Isa lamang ang kapayapaan sa mga isinisimbulo dahil sa konti lang ang nagaganap na krimen rito kung ikukumpara mo sa ibang lungsod dito sa Mindanao. Ang mga tribo ay isa rin sa mga isinisimbulo nito.May makikita kang mga taong naka suot ng kani-kanilang mga "signature costumes" ng kanilang tribo. Ibinabahagi rin nila ang mga kasaysayan ng bawat tribo at mga "cultural practices" nila sa pamamagitan ng pagsasayaw sa cultural dance show. Ipinapakita nila ito upang maging bukas ang kaalaman ng mga tao na buhay parin ang kanilang mga pinagmulan. Siyempre, di mo dapat kalimutan ang mga prutas. Sagana ang mga prutas dito sa Dabaw lalo na kung buwan na ng Kadayawan. Di mawawala ang rambutan, durian, at mangosteen! Siguradong mabubusog ka dito sa tatlong prutas na yan! At ang bentahan ay talagang swak sa bulsa mo dahil di ito mahal di gaya ng benta nito sa ibang lugar. 

At ngayon na alam mo na ang importansya ng Kadayawan, handa ka na bang masaksihan ito sa iyong sariling mga mata? Handa ka na bang makisaya? Kaya bisitahin na ang lungsod ng Dabaw para masaksihan nag iba't ibang saya ng okasyong ito. Hinding hindi ka magsisisi at iyong matutunghayan ang ibang karanasan na dito mo lang makikita sa lungsod ng Dabaw! 


(credits to the owner of the pics. :))  )

No comments:

Post a Comment