Saturday, August 18, 2012

Ateneo Fiesta 2012: Unang Araw

               Agosto 15, 2012 ang unang araw ng fiesta ng Ateneo. Ito ay taunang ipinagdiriwang ng mga Ateneo de Davao University at ang pinakahihintay ng mga estudyante dahil sa mga araw na walang pasok pero may baon padin. Lahat ng tao ay gugol sa paghahanda ng mga kagamitan at props para sa mga aktibidades na magaganap sa eskwelahan. Hindi nawawala ang parade na maraming makukulay na palamuti at mga talent shows kung saan nakikita ang mga itinatagong galing ng mga Atenista.


             Sa araw na ito ay tinamad ako kaya hindi ako sumali sa parade galing San Pedro Cathedral papunta sa eskwelahan namin. (hahahaha) Nagising ako ng alas dos nang hapon at kami ay pumunta sa Uyanguren kasama si Cheyenne, Claudine, at Paoji. Bumili kami ng mga hikaw, sing-sing, at kung anu-ano pang mga burloloy. Pagkatapos, ay kumain kami sa Lachi's. Ito ay nasa may Marfori banda, at napakasarap ng kanilang mga pagkain doon. Um-order ako ng cake at grilled porkchop na talaga namang napakasarap! Matagal na akong sinasabihan ni Cheyenne na talagang masasarap ang keyk nila doon kaya nung tinikman ko, ay talaga namang masarap! Puno nanaman ng pagkain ko! At syempre pag kasama mo si Claudine Reyes, palaging may bloopers talaga yan! Kaya di lang puno ng pagkain ang araw namin, kundi puno rin ng tawanan! 



Pagkatapos naming kumain ay bumalik kami sa eskwelahan upang manood ng Awitenista. Ang nanalo ay ang Accountancy. Mayroong fire dance pagkatapos ng awitenista at musikahan ang pinakahuli sa lahat. Kami ay nanood at may mga libreng pagkain na ipinamigay sa mga manonood. Ang mga tugtog na aming narinig ay galing sa mga sikat na mang-aawit at in-acoustic ang pagtugtog ng mga estudyante nito. Nag tilian ang mga estudyante pag gwapo ang kumakanta. (halos lahat ng dumalo ay mga babae! haha)

Fire dance! (pic by Claudine Reyes)



Gabi na ng kami ay makauwi pero nasiyahan naman kami sa aming natunghayan sa fiesta ng aming eskwelahan. Sana ay mas masaya pa ang fiesta namin sa susunod na taon.. :)


No comments:

Post a Comment